February 2012
11 posts
7 tags
The Lesson of EDSA Revolution
I do not agree with the worldview F. Sionil Jose has… but perhaps this is one of the many points that he got right, and he pointed it out ruthlessly. From an open letter he wrote to the then President Elect Noynoy Aquino: “Prosecute the crooks. It is difficult, thankless and even dangerous to do this. Your mother [Cory] did not do it — she did not jail Imelda who was the partner in...
Feb 24th
12 notes
2 tags
“[H]istorians … have to start writing before they have finished their research. …...”
– Peter Hoffer, The Historian’s Paradox: The Study of History in Our Time, 133-4. (via javiercha)
Feb 21st
8 notes
9 tags
Feb 18th
20 notes
9 tags
Feb 15th
88 notes
4 tags
Love is...
If I speak with the tongues of men and of angels, but do not have love, I have become a noisy gong or a clanging cymbal. If I have the gift of prophecy, and know all mysteries and all knowledge; and if I have all faith, so as to remove mountains, but do not have love, I am nothing. And if I give all my possessions to feed the poor, and if I surrender my body to be burned, but do not have love, it...
Feb 13th
4 notes
10 tags
“You say it is heresy to speak of the Holy Scriptures in English. You call me a...”
– John Wycliffe (1328?-1384), the reformer who would plant the seed that would ignite the Reformation in the 16th century. Wycliffe was never burned at the stake and he died as an old man, but with the insistence of the Catholic church, his body was dug up, exhumed and thrown into the River Swift in...
Feb 8th
3 notes
7 tags
Feb 7th
20 notes
7 tags
Feb 6th
15 notes
10 tags
Feb 4th
287 notes
7 tags
On Pantayong Pananaw
I had a very interesting conversation with a historian on facebook. This historian adheres to a Philippine historiographical perspective called "Pantayong Pananaw." For those of you who are unfamiliar with this view of Philippine history, I will let the excerpt text of our conversation show this perspective. I do not adhere to this view since I believe it has already been debunked by many credible Filipino historians. I'm posting this here, so that you may comment, add or even counter my arguments. We are all here to learn... and I hope I can learn from your comments as well. Just to note, I use English in my blog to communicate... I firmly believe that the English Language (or Filipino English, because there are many Englishes) can be a TOOL to reach Filipinos, here and around the world (that's why I'm using English in most of my blog posts). But Filipino Language should also be strengthened, for national unity and the building of national consciousness. This can only happen if there is an effort to ignite the regional languages we have, so that the Filipino Language would not keep on borrowing English words to make itself relevant, but to exhaust the words we have from our other regional languages first. The conversation below is in the context that a government agency I work with uses English as one of its official languages aside from Filipino. The conversation is in Filipino.
IndioHistorian: Medyo komplikado rin ang usapin sa wika. May pulitikang kasama ang wikang Filipino, kaya naman di agad tinatanggap ng nakararami sa mga rehiyon. Isama pa natin yung kawalan ng sistema at pamantayan sa paggamit ng wika. May Filipinong pang-UP, may pang-UST. Ano ba ang gagamitin, "kuwento" o "kwento", "perspektiba" o "pananaw", "Filipinas" o "Pilipinas"? Sumasang ayon ako na wala talaga sa pagiging makabayan ang paggamit ng anu mang wika. Ako pala ay taga [gov't agency]. Hehe.
Pantayong Pananaw adherent: hindi totoong komplikado ang usapin sa wika. TANGGAP na ng mayorya ang Filipino. Mitong ipinakakalat ng mga anti-Filipino ang diumano'y rehiyunalistang pagtutol sa Filipino. Hindi rin totoo ang kawalan ng sistema at pamantayan. Unang-una, nagkakaintindihan tayong lahat. Segundaryong usapin ang pagbabaybay at napakadaling remedyuhan niyan. ANG DAPAT, pangunahan ng mga ahensya ng gobyerno ang lansakan o wholesale na Filipinisasyon, lalo na ang [gov't agency]. Isang kabalintunaan na ang [gov't agency] ay Inglesero! Gaya ng nabanggit ko na, ang mismong newsletter ng [gov't agency] ay Ingles, pati website etc. gayong Filipino ang wikang pambansa. Kasapi ako ng [committee inside the gov't agency] at nabanggit na namin doon ang puna sa pagIingles ng [gov't agency] at wala pa ring development Higit na makabayan ang makabayang naghahangad ng pambansang pagkakaisa sa pamamagitan ng wikang pambansa. Bakit magIingles kung may wikang pambansa naman? Kung ipinanganak naman sa rehiyon, ay di mag-aral ng Filipino na kapamilya ng lahat ng wika sa bansa, di gaya ng Ingles na dayuhang-dayuhan
IndioHistorian: Pero kung ang kapalit naman ng 'Filipinasyong' ito ay ang pagkamatay ng iba pa nating wika tulad ng Pangasinense, Kapampangan, Ilocano at iba pa.. paano na? Paano ang mga wika at ideya na napapaloob sa mga wikang ito? Hindi bat mas mainam muna na palakasin ang mga rehiyong wika at pagkatapos, saka lalakas ang wikang pambansa?
Pantayong Pananaw adherent: hahah. Biktima ka ng propaganda ng mga Inglesero. Ang pagpapalakas sa Filipino ay pagpapalakas sa iba pang wika ng Pilipinas (basahin ang depinisyon ng Filipino sa Saligang Batas ng 1987). At sa aking opinyon, maliit na sakripisyo, sakali mang mamatay ang mga wikang panrehiyon. FYI, sa Pangasinan, ayaw nang magPangasinense ng mga kabataan. Ipinagbubunyi ko iyon. Bakit? Isang pahiwatig iyon na tanggap na tanggap na nila ang Filipino. Sa buong bansa'y Filipino nang talaga ang gamit ng mga Pilipino. Mali ang unahin ang wikang panrehiyon. Prayoridad DAPAT ang wikang pambansa. Napatunayan na 'yan ng Indonesia. SATU BANGSA, SATU BAHASA! At huwag mong ilagay sa panipi/quotation mark ang Filipinisasyon dahil totoong Filipinisasyon ang tinutukoy ko. Nagtataka ako na sa [gov't agency] ay may sentimyentong anti-Filipino pa rin.
IndioHistorian: Matindi, "reckless generalization" yan. :) Hindi mo pako kilala at 'biktima' nako ng propaganda?
Pantayong Pananaw adherent: Hindi reckless generalization 'yan, dahil ipinahahayag mo na nga ang aktwal na namumutawi rin sa bibig ng mga Inglesero. Balikan mo ang simula ng iyong mga argumento. Ang mga mitong pinaniniwalaan mo'y pawang ipinakakalat ng mga Inglesero. At saka, paano mapalalakas ng pag-Iingles ang mga wikang panrehiyon?
IndioHistorian: Lilinawin ko lang, umaayon ako sayo. Kailangan ng pagkakaisa sa wika. Ngunit huwag mong sabihing hindi iyan komplikado. Hindi lahat ng may ganuong sentimyento ay inglisero na. Kausapin mo ang mga guro sa probinsya.
Pantayong Pananaw adherent: Ang mga guro sa probinsya'y naging kamag-aral ko sa PNU, at nakarating na rin ako sa mga kumperensya sa Davao, Naga atbp. lugar na may wikang rehiyunal. NagFifilipino ako at naiintindihan nila ako. Hindi komplikado ang usapin sa pagbabaybay dahil nagkakaintindihan tayo sa kabila ng pag-iral niyon. Ang kawalan ng standard sa bokabularyo ay madali ring malulutas. Ang mahalaga, isulong kaagad ang Filipinisasyon. Saka na ang mga wikang panrehiyon. Sa pagtatanggol mo sa paggamit ng Ingles ng [gov't agency], tila sinabi mo na rin na makapagpapalakas iyon sa wikang panrehiyon.
IndioHistorian: Pero kumukuha ng lakas ang wikang pambansa sa mga wikang rehiyon.
Pantayong Pananaw adherent1: Bakit mo uunahin ang wikang panrehiyon gayong may wikang pambansa na? Higit sa lahat, bakit mag-Iingles ang [gov't agency] kung may Filipino na na naiintindihan sa buong Pilipinas?
IndioHistorian: Hmm.. di ko pinagtatanggol ang wikang Ingles sa [gov't agency]. :) Suriing mabuti ang mga itinala ko dito.
Pantayong Pananaw adherent: Ang wikang pambansa ay totoong kumukuha ng lakas mula sa mga wikang panrehiyon NGUNIT kahit walang wikang panrehiyon ay malakas at matatag na ito.
IndioHistorian: Ang mga tanong mo ay nagpapahayag ng pagkakomplikado ng sitwasyon na di mo sinang ayunan.
Pantayong Pananaw adherent: Narito ang sinabi mo: "Sumasang ayon ako na wala talaga sa pagiging makabayan ang paggamit ng anu mang wika."
IndioHistorian: Jejemon at bekemon.. Hmm. Matatag ba talaga?
Pantayong Pananaw adherent: Ang jejemon ay patay na. Ang bekimon ay HINDI Filipino. Imbensyon lamang iyon ng mga gusto gumamit niyon. Di gaya ng Filipino na ginagamit ng buong bansa. May sagot ako sa mga tanong ko. Ikaw at ang mga gaya mo ang marahil ay wala pang sagot kaya para sa inyo ay komplikado ang usaping pangwika.
IndioHistorian's Friend: Mainit-init na naman ang aking ipinaskil hohohnho! Apat na punto lamang ang masasabi ko pagdating sa wika: [1] pag-igihin ang pagpapakilala sa Wikang Pambansa kasama ng mga wika't wikain ng mga Pilipino, hindi lamang ang Filipino, sapagkat tunay na may sentimyento ang ibang pangkat etnolinggwistiko sa Tagalog at aminin natin ito, hindi biro ang unti-unting paglipat ng dila ng marami hindi Tagalog mula sa kanilang inang wika sa sarili nilang teritoryo; [2] patunayan ng Pamahalaan na ginagamit nila ang Filipino hindi bilang pandispley at upang masabing sila ay Pilipino - paumanhin ngunit AMPAW ang promosyon ng Pamahalaan sa Filipino; at [3] hayaang salitain ng sino man ang nais nilang salitain sapagkat sa dakong huli'y ang wika ay umunlad hindi dahil sa palaliman ng talasalitaan kundi sa halaga nito sa lipunan at kalinangan: ang diwa ng talastasan o komunikasyon; at [4] bawasan ang Inggles, gamitin lamang ito kung kailangan at kung kailan naisin sapagkat sa huli'y wika pa rin ito taytay sa daigdig at sa mga kosmopolitang bahagi ng bansa.
Pantayong Pananaw adherent: Umiikot na ang usapan kaya puputulin ko na rito. Uulitin ko na lang ang pangunahing punto: OBLIGADO ang [gov't agency] atbp. ahensya ng gobyerno na itaguyod ang Filipino at Filipinisasyon. Ang pag-Iingles ng [gov't agency] ay di dapat patawarin.
IndioHistorian: Una sa lahat, hindi ko ipinagtanggol ang Ingles bilang instrumento sa pagpapalakas ng mga wika sa rehiyon. Ang Ingles ay banyaga at kailanman ay hindi magiging damdamin ng Pilipino. Ngunit ano po ba ang wikang Filipino. Sa aking pag-aaral, mga 80% nito ay galing sa Kastila, ngunit bakit natin ito naaangkin bilang wika natin? Dahil ang pananakop sa atin ng mga banyaga ay bahagi rin ng ating karanasan bilang isang bansa. Inangkin natin ang karanasang ito kaya ito naging wikang Pambansa, at walang masama dito. Pangalawa, sa mga naitala ko dito, sang ayon ako sa pagkakaisa at sa paggamit ng wikang pambansa para maisakatuparan ito. Naniniwala ako na may sariling kakanyahan ang bawat wika sa Pilipinas na linangin ang kani kanilang syntax at ortograpiya upang lalo itong maging praktikal, napapanahon, at kagamitgamit sa mga kabataan. Ngunit ang Filipinisasyon din kadalasan ang nagiging instrumento upang lalong hindi gamitin ang mga wikang pangrehiyon na ito. May isa akong alam na unibersidad sa Pangasinan na ipinagbabawal ang pagsasalita ng wikang Pangasinense. Dapat daw Filipino lang o Ingles. Pangatlo, sa ating kasaysayan, ang orihinal na intensyon ng mga nagpausbong ng ating wikang pambansa ay ang pagpili sa Tagalog bilang 'base' lamang at linangin pa ito sa pamamagitan ng pagkuha ng ilang salita mula sa karanasan ng buong kapuluan na napapaloob sa mga wika nila. Halimbawa, ang salitang "muringot" o maduming damit na dapat labahan ay wala sa Tagalog. Nanggaling ito sa Pangasinense (Pangalatok) pero nakakatuwa na ito ay ginagamit na ngayon sa Filipino. Ang ikinalulungkot ko ay bakit hiram ng hiram ang wikang Pambansa ng salita mula sa Ingles kung pwede naman itong kumuha sa mga katutubo nating wika? Sa pagpilit na Filipino lang ang tanging wikang dapat linangin, hindi ba't di na rin natin nasaalang alang ang kalunoslunos na kalagayan ng mga wikang nasa mga rehiyon? Ang puno't dulo ng lahat ay ang pagtanggi mo na KOMPLIKADO ang kalagayan ng ating mga wika (kabilang na ang wikang Pambansa). Bago isulong ang tamang Pilipinasyon, kailangan munang maisaalang alang ang mga gumagamit ng mga wika natin sa kapuluan. Sila rin po ay Pilipino at dapat din nating marinig ang kanilang boses mula sa kanilang mga wika. Kung ipipilit natin ang Pilipinasyon sa kanila nang hindi man lang isinasangalang ang mga wika nila, napakayabang naman po siguro ng ating pananaw upang sabihin na Filipino lamang ang tanging wikang totoong makabayan. Iyan ang konteksto ng pagsabi ko na, ang pagiging makabayan ay hindi lamang napapaloob sa wikang Pambansa. Marami itong "expression" na maririnig natin mula sa ating mga kapatid sa Luzon, Visayas at Mindanao at sa buong mundo (OFWs).
Feb 3rd
18 notes
5 tags
Feb 1st
21 notes