Q:Kuya, matanong ko lang po. Nawasak po ba ang pader ng Intramuros noong panahon noong World War? Kung hindi naman po, na-renovate na po ba ito? Salamat po sa pagsagot.
Yup. Nawasak ang pader ng Intramuros noong “Liberation of Manila” dahil sa bombang tinamo nito mula sa puwersang Amerikano laban sa mga Hapong nagtatago sa Intramuros. Mula Pebrero 1945, pagsabog ng mga gusali at pader ang narinig ng mga Pilipino sa Kamaynilaan, hanggang matapos ang digmaan sa Maynila noong Marso 1945. Tinawag ang Maynila na “the Warsaw of Asia” bilang paghahalintulad ng lungsod natin sa lungsod ng Warsaw, Poland, na lubha ding napinsala ng WWII. Noong 10 Abril 1979 lang muling naitayo unti-unti ang mga pader dahil sa pagbuo ng Intramuros Administration na siyang nangasiwa sa pag-aayos ng buong Intramuros. Sa madaling sabi, lahat ng pader na nakikita natin ngayon sa Intramuros ay replica na lamang, maliban sa mababang bahagi nito na may pawang ibang kulay (dahil ang orihinal na pader ay gawa sa volcanic ash).
Lubos ang pagkasira ng Maynila, at masasabing kaya ito nasa kalunoslunos na kalagayan ngayon ay dahil hindi pa ito ganap na nakakabawi mula sa pagkasira nito noong WWII. Sana’y nasagot ko ang tanong mo. :)


13 Notes/ Hide
-
hoytinginsacamera liked this
-
denisedo560 liked this
-
elriz liked this
-
monochromaticeye liked this
-
ringjo liked this
-
heyhellomark liked this
-
indiohistorian posted this






